SINAKMAL ng isang bagong panganak na aso ang tumatakbong Konsehal sa Pangasinan habang nangangampanya kaninang umaga (Mayo 9).
Isinugod sa Animal Bite Treatment Center sanhi ng tinamong sakmal sa kanang binti ang biktimang si Eddy ‘Banat’ Almodovar, kumakandidatong Konsehal sa bayan ng Bacnotan, La Union at isa rin na Supreme court mediator at broadcaster pa.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9:45 ng umaga sa Barangay Uya-oy sa bayan ng Bacnotan, La Union.
Bago ito, nangangampanya ang biktima kasama ang kanyang mga partido sa mga bahay-bahay nang biglang sagpangin ito ng aso na kapapanganak lang.
Humingi naman agad ng tawad ang may-ari ng naturang hayup at idinepensa na inakalang ng kanyang alaga na nasa panganib ang kanyang mga tuta.
Sa kabila ng naturang insidente, tumuloy pa rin ang biktima sa pangangampanya matapos mabigyan ng lunas ang tinamong kagat ng aso.