NILINDOL ng magnitude 4.0 ang ilang bahagi ng Zambales, ngayong hapon lamang.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lalim na 16 na kilometro ang lindol at nasa 29 na kilometro sa timog kanluran ng Iba, Zambales ang epicenter nito.
Naramdaman ang intensity 3 sa Iba, intensity 2 naman sa bahagi ng Palawig, Botolan, at Castillejos.
Tectonic ang origin ng lindol at wala namang inaasahang aftershock.