Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Money ban aamyendahan ng Comelec

$
0
0

BAGAMAT nanindigang hindi babawiin ang ipinatutupad na resolusyon na naglilimita sa cash withdrawal, mistula namang ‘lumambot’ ang Commission on Elections (Comelec) hinggil sa isyu ng money ban na sinimulan nilang ipatupad nitong Mayo 8 upang maiwasan ang vote buying na posibleng maganap dahil sa nalalapit nang pagdaraos ng midterm elections sa bansa sa Lunes, Mayo 13.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., hindi nila babawiin ang money ban sa kabila ng pambabatikos ng ilang kritiko sa resolusyon, at sa halip ay magpapalabas na lamang ng amendatory supplemental resolution.

Sinabi ni Brillantes na sa ilalim ng amended resolution, lilimitahan pa rin sa P100,000 ang cash withdrawals kada araw, ngunit may diskresyon aniya dito ang mga bangko.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa inilalabas ng Comelec ang amended resolution dahil umiikot pa umano ito sa mga commissioners upang malagdaan.

Iginiit ni Brillantes na may malasakit din sila sa komersiyo at mga negosyo kaya naman maglalagay sila ng probisyon sa resolusyon para sa kanila.

“Pinipirmahan na namin ‘yung amendatory supplemental resolution. Diniscuss na namin kahapon, pina-finalize ‘yung wordings, hindi ko pa nabasa. In essence, ang sinasabi namin dun, we are concerned likewise in the commerce and business,” ayon kay Brillantes.

“May inilagay kaming provision dun which says that while we are still limiting the withdrawal to P100,000 per day, we are giving discretion to the banks or bank officials since they have what is known as customer relationship. Alam nila kung sino ‘yung kanilang mga customer na nag-wi-withdraw regularly ng lampas ng P100,000, this will fall under the exception,” aniya pa.

Gayunman, sakali aniyang tumutol dito ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at tumangging maglabas ng circular sa mga bangko, ang huli ang maaaring makastigo sa bawat transaksyong lampas sa P100,000.

“Walang mangyayari kung ayaw nilang (BSP) i-implement. Kung hindi sila mag-i-isyu ng circular to the banks, the banks will have to take some risk in allowing withdrawal more than P100,000,” dagdag pa ni Brillantes.

“Kakausapin pa rin namin ‘yung BSP pero kung ayaw nila, each and every bank will have to take the risk granting withdrawal beyond P100,000 in violation of Comelec resolution,” aniya pa.

Sa ngayon ay inaayos pa naman ng Comelec ang parusa sa mga lalabag sa resolusyon.

Nabatid na sa sandaling mailabas amendatory supplemental resolution sa money ban ay agad din itong magiging epektibo, kahit walang pitong araw na publikasyon.

Matatandaang Martes ng hapon nang ilabas ng Comelec ang Resolution 9688 na nagbabawal sa cash withdrawals ng higit sa P100,000 sa isang araw at pagdadala ng cash na lampas ng P500,000.

Tumanggi naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang tumatanggi na sumunod sa kautusan dahil maari umano itong makaapekto sa normal na business at commercial transactions sa bansa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>