Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Brownout at matagal na paglutang ng source code bahagi ng magaganap na dayaan sa Lunes – Anakbayan

$
0
0

NANGANGAMO’Y ang isang malawakang dayaan sa araw ng eleksyon.

Ito ang hinala at pangamba ni Vencer Crisostomo, national chairperson ng Anakbayan kasunod ang malawakang brownout na naganap kahapon na sumakop sa halos buong Luzon.

Aniya, ang Luzon-wide blackout at  ang pagkabinbin ng  source code ay bahagi lamang ng ‘Automated Election Fraud’ (AEF).

Kinukwestyon ng grupo kung bakit huli na ng ilabas ang source code na posibleng ang layunin ay hindi na ito ma-review ng mga kinakailangang partido.

“We are 100% sure that yesterday’s blackout is a dress rehearsal for Monday’s elections. But a power outage is merely ‘Plan B’, or a back-up plan to the AEF of the Aquino administration.”
Isang pagpapaimbabaw din umano ang pahayag ni COMELEC Chairman Sixto Brillantes na ang ‘source code’ ay handa na para ito ay repasuhin sa nalalabing ilang araw bago ang eleksyon.

“Pampapogi lang. It’s way too late for that at this point in the election period. How long did a source code review take in 2010? Four, five months? Tapos the COMELEC will allow a review less than a week before Election Day?” giit ni Crisostomo.

Malaking biro din ayon sa Anakbayan ang pahayag ni Brillantes na ang pagrerepaso sa source code ay magpapatuloy kahit tapos na ang eleksyon.
Sa ganitong paraan ay lahat ng dayaan ay naganap na, ang mga pagkakamali ay hindi na mababago at higit sa lahat ay nakapanumpa na ang mga idineklarang nanalo sa eleksyon.
“Brillantes’ statement that the review can continue after the elections is a joke. By the time the source code review is finished and major errors are discovered, all the ‘winners’, fraudulent or otherwise, would have been already sworn in. Or is the COMELEC promising that they will annul the poll results if any cheating is discovered?”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>