Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

TRO sa extended liquor ban, ‘di na iaapela

$
0
0

WALA nang plano pa ang Commission on Elections (Comelec) na iapela ang ipinalabas na Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema laban sa resolusyon nila na nagpapalawig sa liquor ban ng hanggang limang araw.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., sa halip na iapela ay hindi na rin sila maghahain ng komento sa Korte Suprema hinggil sa extended liquor ban.

Aniya, plano na rin nilang i-withdraw na lamang ang kanilang resolusyon upang hindi na lumaki pa ang isyu lalo na ngayong marami pa silang ibang problema kaugnay sa eleksiyon sa Lunes.

Sa kabila naman nito, nanindigan si Brillantes na sa kanilang palagay ay rasonable lamang naman ang limang araw na liquor ban.

Matatandaang dapat sana ay ipatutupad na ang limang araw na liquor ban simula kahapon (Mayo 9) hanggang sa Mayo 13 ngunit dahil sa TRO ay magiging dalawang araw na lamang muli ang liquor ban o mula sa Mayo 12 hanggang sa election day, na siyang itinatakda ng batas.

“Kung sasabihin ng Korte Suprema na ‘yun lang, dalawang araw, okay lang sa amin,” ani Brillantes.

“Siguro ‘wag na nating palakihin iyung problema. I-withdraw na lang natin iyung resolution natin imbes na mag-komento pa tayo diyan. Marami pa tayong ibang problema.’ Although we think five days will mean a very reasonable period,”  dagdag pa ni Brillantes.

Nitong Miyerkules ay nagpalabas ng TRO laban sa extended liquor ban ang Mataas na Tribunal bilang tugon sa petition for prohibition na inihain ng dalawang liquor companies na kinabibilangan ng Food and Beverage Inc. at ng International Wines and Spirits Association Inc., na nagsabing magkakaroon ng matinding epekto sa kanila ang kautusan ng Comelec.

Ang resolusyon sa extended liquor ban ay inilabas ng Comelec batay na rin sa kahilingan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>