Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mitchell inakay ang Tropa

$
0
0

SUMUGAL ang Talk ‘N Tropang Texters dahil nagpalit ng import sa kalagitnaan ng playoffs.

Resulta – tagumpay, humakot ng 29 puntos, 12 rebounds at tig iisang assist, steal at block si import Tony Mitchell upang iangat ang TNT kontra Barangay Ginebra Gin Kings, 98-80 kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa una ay nangapa muna si NBA D-League Rookie of the Year at slam dunk champion Mitchell kaya naman lumamang ang Gin Kings sa halftime, 43-48.

Paglarga ng third canto ay umarangkada na ang 6-foot-5 na si Mitchell upang kumana ng 11 puntos at tumulong sina Larry Fonacier, Jayson Castro at Ranidel De Ocampo sa opensa para hablutin ang 71-59 bentahe.

Abante na sa serye ang Tropang Texters hawak ang 2-1 sa kanilang best-of-seven seminals series.

Nagwagi ang TNT sa Game 2 kung saan ay si 7-foot Jerome Jordan pa ang import ng Tropa.

Naging instrumento si Ali Peek ng Tropa upang bantayan ang dambuhalang si 6’10 Gin Kings import Vernon Macklin.

Nalimitahan si Macklin sa 17 puntos at 16 rebounds.

Sa locals ng Talk N Text, nagsumite si Fonacier ng 20 puntos habang may tig 15 pts. Sina Castro at De Ocampo.

Sa unang sultada rumemate ang Alaska Milk Aces upang higupin ang San Mig Coffee Mixers, 89-82 sa overtime game.

Tangan ng Aces ang 2-1 kaya naman bukod sa Mixers ay kailangan manalo rin ang Gin Kings sa Game 4 upang manatiling buhay ang asam na titulo.

Samantala, sa third conference pa sana maglalaro si Mitchell sa TNT subalit dahil may injury sina point guard Jimmy Alapag at Jared Dillinger .


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>