MAAARING sa loob lamang umano ng 48-oras matapos ang May 13 midterm elections ay maiproklama na ng Commission on Elections (Comelec) ang walong kandidato na nanguna sa senatorial race.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., kung papalarin ay posible pa ngang humigit pa sa walo o maiproklama nang lahat ang mga nanalo sa nalalapit na halalan lalo na kung talagang malaki ang lamang na boto ng mga ito sa iba pang kandidato.
“If the distance is big, maybe we can already proclaim all of them. Otherwise, we might have to defer at least the numbers 11, 12 and 13,” pahayag ni Brillantes.
Sinabi ni Brillantes na dahil sa PCOS (precinct count optical scan) system ay maaari nang iproklama agad ang mga nanalong kandidato nang hindi na kailangan pang matapos ang transmission ng lahat ng resulta ng halalan kung hindi rin lang ito makakaapekto sa kabuuang resulta.