ABOT sa 350,000 volunteers ang ikakakalat sa mga polling centers sa araw ng eleksyon.
Ayon kay Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Chairperson Henrietta de Villa, ito ay upang tumulong na matiyak na maging malinis ang halalan.
Sinabi pa ni de Villa na sa nasabing bilang kabilang ang 70,000 frontliners at handa na para sa poll watching duties.
Sinabi ni de Villa magde-deploy rin ng mga person with disabilities volunteers sa mga lugar na maraming rehistradong PWD’s.
Magsusuot naman ang mga frontliners na PPCRV shirts at ID’s upang madali silang makilala sa mga help desk at polling places.
Ang PPCRV ay deputized citizens arm ng Commisison on Elections (Comelec).