Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Militar at pulisya, handa na para sa eleksyon sa Bulacan

$
0
0

MALOLOS, Bulacan, – Lubos ang ginagawang paghahanda ng militar at pulisya upang matiyak na magiging maayos ang pagsasagawa ng Halalan sa Bulacan sa Mayo 13.

Sa isinagawang pagpupulong ng mga kasapi ng peace and order council kamakailan, sinabi ni Police Provincial Director Sr. Supt. Joel Orduña na nasa final stage na nang pag-de-deploy ng mga pulis sa iba’t ibang voting centers sa bawat munisipalidad kasama ang 238 karagdagang tropa mula sa Armed Forces of the Philippines headquarters at First Scout Ranger Regiment (FSRR).

Iniulat din niya na mula ng ipatupad ang firearms ban, nakakumpiska na ang pulisya ng halos 105 high powered and low powered firearms at 76 na iba pang kaugnay na mga gamit.

Pinag-iingat naman ni 56th Infantry Battalion commander Lt. Col. Bernardo Oña ang publiko laban sa mga taong nagpapanggap na mula sa Army at napapabalitang lumilibot sa lalawigan upang mangikil sa mga pulitiko.

Idinagdag pa niya na kung may mga kandidatong hihingi ng security, ito ay dapat na magkaroon ng wastong koordinasyon sa Joint Peace and Security Coordinating Center (JPSCC).


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>