Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all 14412 articles
Browse latest View live

2 dinukot, natagpuang patay sa Navotas

$
0
0

DALAWANG hinihinalang sangkot sa iligal na droga na pawang tinangay ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ang kapwa natagpuan patay sanhi ng mga tama ng bala sa ulo sa magkahiwalay na lugar kagabi, March 17, sa Navotas City.

Ayon kay Navotas police chief S/Supt. Dante Novicio, unang natagpuan si Jose Sajora, 43, ng C3 Rd., Dagat-Dagatan, Caloocan City na napaulat na tinangay ng armadong kalalakihan bago natagpuan nakahandusay sa Chungkang St., Brgy. Tanza pasado alas-7:40 ng gabi na nakilala sa pamagitan ng kanyang ID.

Una rito, pasado 6:00 ng gabi, natagpuan naman ang duguang bangkay ng biktimang si Axel John Rodriguez, 20, ng Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) matapos madiskubre ng mga tanod na nagpapatrolya sa Babanse St., Brgy NBBS.

Sa imbestigasyon ni PO3 Paul Roma, kinilala si Axel ng kanyang kapatid na si Erica Rodriguez at sinabi nitong sapilitang tinangay ng armadong kalalakihan ang kanyang kapatid bago ito natagpuan patay.

Agad namang inatasan ni S/Supt. Novicio ang kanyang mga tauhan na imbestigahang maigi ang pagpatay sa dalawang biktima at hiniling din nito sa barangay kapitan na makakuha ng CCTV footages ng sa nasabing lugar para madaling makilala ang mga salarin. ROGER PANIZAL


Impeachment vs Duterte, malabo

$
0
0

DUDA ang dalawang mambabatas na maisusulong ang impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y sa kabila pa ng sinasabi ni Magdalo Rep. Gary Alejano na may mga mailalabas siyang ebidensya upang suportahan ang kanyang mga alegasyon laban sa pangulo.

Ayon kay Bacolod Rep. Greg Gasataya, malabong makakuha si Alejano ng sapat na bilang ng mambabatas na susuporta sa kanya sa Kamara.

Naniniwala naman si Southern Leyte Rep. Roger Mercado, chairman din ng House Committee on Constitutional Ammendments, na kulang sa “substance and form” ang reklamo ni Alejano.

Giit ni Mercado, puro mga sabi-sabi lang ang basehan ng mga nasabing akusasyon, at maituturing na isa lamang dokumento ang naturang reklamo.

Aniya pa, maraming tao ang sumusuporta sa pangulo, at nasa kanya rin ang suporta ng majority sa Kongreso kaya malabong magtagumpay ang impeachment.

Umapela rin ang mambabatas sa mga tao na huwag pansinin ang mga nasabing reklamo dahil ang mga ito’y pawang politically-motivated, na pilit inilalayo ang administrasyon sa mga pinagtutuunan nito ng pansin.

Sa halip aniya, dapat magkaisa ang mga tao sa pagsuporta sa pangulo upang mas maraming investors ang pumasok sa bansa. JOHNNY ARASGA

Gamitin ang footbridge – MMDA

$
0
0

HINIMOK ngayon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Thomas Orbos ang publiko na gamitin ang mga footbridge sa halip na ilagay sa peligro ang kanilang buhay sa pagtawid sa mga hindi tamang tawiran.

Ginawa ni Orbos ang apela kasabay ng nagpapatuloy na anti-jaywalking operations sa National Capital Region (NCR).

Sa magkakahiwalay na operasyong inilunsad ng MMDA sa mga lungsod ng Pasay, Mandaluyong at Makati, aabot sa 210 ang nahuling pedestrian dahil sa jaywalking.

Ang mga ito’y nahuling tumatawid sa EDSA at sa intersection ng Shaw Blvd. sa Mandaluyong, Guadalupe at Taft-Rotonda Pasay sa kabila ng pagkakaroon ng footbridges sa naturang mga lugar.

Kasabay nito, binalaan din ni Orbos ang mga drayber ng mga pampublikong sasakyan na magbaba at magsakay lamang sa tamang lugar dahil kung hindi ay papatawan din ito ng anti-jaywalking violation. JOHNNY ARASGA

Kelot binaunan ng 7 bala

$
0
0

PATAY sa pitong tama ng bala ang isang 44-anyos na empleyado na itapon ang bangkay sa bakanteng lote sa Brgy. Pag-asa, Quezon City kahapon ng madaling-araw, Marso 17.

Ayon kay C/Insp. Tito Jay Cuden, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang biktima sa kanyang SSS identification card at LTO driver’s license na si Rafael Dorosan, ng Barrio Palanas, Brgy. Vasra, QC.

Sa ulat, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakaposas pa ang mga kamay at may pitong tama ng bala ng cal. .45 sa ulo at ibang bahagi ng katawan dakong 2:30 ng madaling-araw.

Hinala ng pulisya, maaaring malaki ang atraso ng biktima dahil brutal ang pagkakapatay dito at duda rin na sa ibang lugar ito pinatay upang iligaw ang imbestigasyon.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis para mabatid ang mga suspek na may kinalaman sa naturang krimen.

Kaugnay nito, inatasan ni QCPD Director P/C Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na masusing imbestigahan ang kaso para mabigyan ng hustisya ang biktima at masakote ang nasa likod ng karumal-dumal na krimen. SANTI CELARIO

Seguridad ng mga bakasyunista tiniyak ng PCG

$
0
0

TINIYAK ng Philippine Coast Guard o PCG ang seguridad ng mga turistang bibyahe at magbabakasyon ngayong nalalapit na summer season.

Ito ay kasunod na rin ng magkahiwalay na insidente ng pagsadsad at pagkasunog ng dalawang barko ng Montenegro Lines sa karagatang sakop ng Batangas.

 Sinabi ng Philippine Coastguard Spokesperson Commander Armand Balilo, patuloy ang kanilang koordinasyon sa MARINA o Maritime Industry Authority upang suriin ang mga barko bago bumiyahe.

 Dagdag pa ni Balilo, kanila ring sinusuri ang mga sikat na pinupuntahan mga beach resorts para maiwasan na ang insidenteng tulad ng pagkalunod.

 Samantala, nagbigay naman ng paalala si Balilo para sa mga bibiyahe ngayong bakasyon. JOHNNY ARASGA

Impeachment complain hindi big deal kay Pang. Digong

$
0
0
HINDI big deal para kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang impeachment complaint na inihain ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano laban sa kanya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa kanyang departure press conference sa Davao City bago magtungo sa Myanmar ay sinabi ni Pangulong  Duterte na bukod sa impeachment complaint na isinampa ni Alejano, ay welcome din sa kanya ang nakaambang reklamo na i-aakyat sa International Criminal Court.

Patunay lamang aniya ito na may umiiral ang demokrasya sa  bansa dahil may nagsampa ng reklamo laban sa kanya.

Aniya, balewala sa kanya ang impeachment dahil para sa kanya ay sumusunod naman siya  sa ‘rules of destiny.’

Binigyang-diin ng Pangulo na  gusto niyang tumutok sa kanyang trabaho at pagtupad sa pangako na tatapusin ang kurapsyon, illigal na droga at kriminalidad.

Sa kabilang dako, mariing itinanggi ni Pangulong Duterte na may kinalaman siya sa nilulutong impeachment laban naman kay Vice President Leni Robredo, dahil sa report nito sa United Nations.

Wala aniya siyang kinalaman sa ‘Nagaleaks’ at kung ayaw daw maniwala rito ni Robredo, ay wala siyang magagawa.

Si Duterte at kanyang delegasyon ay patungong Myanmar upang makipag-pulong sa mga opisyal doon at mapalakas ang bilateral relations.

Kasama sa opisyal  na delegasyon ni Pangulong Duterte patungong Myanmar  sina Enrique Manalo – Acting SFA Emmanuel Piñol – Sec Agri Delfin Lorenzana – SND Ramon Lopez – STI Jose Ruperto Martin Andanar – PCO Sec Hermogenes Esperon – NSA Sen. Vicente Sotto III Sen. Alan Peter Cayetano Isidro Lapeña – DG. PDEA Alex Chua – Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Myanmar.

Tatayo namang caretaker ng Malakanyang si Executive Secretary Salvador Medialdea hanggang sa makabalik ng bansa si Pangulong Duterte.

“Both Myanmar and Thailand are friends of the Philippines and the President will seek to further deepen the valuable friendships through greater cooperation in fields of mutual interests,” ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella.

Samantala, pagkatapos sa Myanmar ay pupunta naman si Pangulong Duterte sa Thailand. KRIS JOSE

P1 rollback sa petrolyo ipatutupad sa Martes

$
0
0

IPATUTUPAD na sa Martes ang mahigit P1 sa kaltas  presyo ng petrolyo,

 Ayon kay Department of Energy (DOE) Undersecretary Felix Fuentebella, tinatayang maglalaro sa P1.02 ang bawas sa kada litro ng gasolina, P1.19 sa kada litro ng diesel at P1.21 sa kada litro ng kerosene.

 Ayon kay Fuentebella, ang rollback sa presyo ng petrolyo ay dahil pa rin sa oversupply sa pandaigdigan merkado.

 Base naman sa pinakahuling data ng DoE, ang presyo ngayon ng diesel ay naglalaro sa P28.05 hanggang P33.95 kada litro habang P39.40 hanggang P48.09 naman sa gasolina.

 Karaniwang ipinatutupad ang price adjustment sa araw ng Martes. JOHNNY ARASGA

Impeachment complaint VS VP Robredo, ipinaubaya na sa Kamara

$
0
0

IPINAUUBAYA na ng Malacañang sa Kamara kung magsasampa o hindi ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Ito ang tugon ng palasyo sa banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maghahain din ng reklamo sa pangalawang pangulo.

Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, sariling opinyon ni Alvarez ang panawagang ipa-impeach si Robredo lalo’t ang mababang kapulungan naman ng kongreso ang magdedetermina kung ano ang mga posibleng batayan ng paghahain ng reklamo.

Sa ngayon aniya ay nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamahala ng bayan at kapakanan ng publiko partikular ang pagsugpo sa krimen, iligal na droga at katiwalian.

Katunayan ay abala ang palasyo sa biyahe ng pangulo sa Myanmar at Thailand ngayong araw upang patatagin ang ugnayan ng Pilipinas sa dalawang nabanggit na karatig-bansa sa Southeast Asia at bilang host ng ASEAN conference ngayong taon. JOHNNY ARASGA


EU, pinasalamatan ni De Lima sa panawagang palayain siya

$
0
0

NAGPASALAMAT si Sen. Leila de Lima sa Europe sa panawagan nitong palayain siya at sa pagnanais na suriin ang giyera ng administrasyong Duterte kontra iligal na droga sa bansa.

Sa pamamagitan ng liham mula sa kanyang piitan, ipinahayag ni De Lima na nabuhayan siya ng loob sa hakbang na ito ng European Parliament na naniniwalang inosente siya.

Aniya, ipinaglalaban din nito ang katotohanan at hustisya para sa mahigit 7,000 Pilipinong biktima ng ‘state-sanctioned’ at ‘state-inspired’ extrajudicial killings.

Dagdag ni De Lima, hindi kinukunsinte ng mga may pinag-aralan ang mga kasinungalingan at panlilinlang.

Inaprubahan ng European Parliament ang resolusyong sisiguro ng sapat na seguridad at patas na paglilitis sa Senador.
Naniniwala ang mga ito na ang mga kasong isinampa laban kay De Lima ay ‘politcally motivated.’

Hinimok naman ng Malacañang ang European Parliament na huwag na itong makialam sa mga usapin sa Pilipinas. Siniguro rin nitong hindi pulitika ang pinag-ugatan ng mga kasong kinakaharap ni De Lima.

Si De Lima ay nahaharap sa kasong drug trafficking dahil sa pagtanggap ng pera mula sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP). JOHNNY ARASGA

Kelot nang-agaw ng baril sa Maynila, dedbol

$
0
0

DEDBOL ang isang lalaki matapos mang-agaw ng baril sa ikinasang operasyon sa Arellano Ave., Brgy. 732, Singalong, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Christopher Velasco, 27, nagtatrabaho tagabantay ng dyip sa Brgy. 739.

Ayon kay Police C/Insp. Paulito Sabulao, commander ng Arellano Police Community Precinct, nagsagawa ng one-time big-time operation ang kanyang mga tauhan sa naturang barangay.

Nahulihan umano ng patalim ang suspek dahilan para damputin ito at posasan.

Matapos posasan, tumakbo ang suspek papunta sa kabilang barangay, tumalon sa bubong at pumasok sa bahay ng isang Fely delas Nieves.

Dito na siya hinabol ng mga pulis, hanggang sa makorner ito sa loob ng banyo.

Kwento ni Sabulao, nang bibitbitin na ang suspek, agad nitong inagaw ang baril ng pulis dahilan para paputukan ito at mapatay.

Ayon kay Sabulao, kalalaya lamang ng suspek mula sa kasong pagtutulak ng droga.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya na pagkakapatay kay Velasco. -30-

BRUTAL!

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN ng QCPD-Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng hindi pa nakikilalang batang babae na tinatayang 18-20-anyos, makaraang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang gunman sa Cabatuan St., Barrio San Jose, Balintawak, Quezon City kung saan patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakailanlan sa suspek at kung may kaugnayan sa droga ang pamamaslang. CRISMON HERAMIS

Chuck Berry pumanaw na, music industry nagbigay-pugay

$
0
0

BUMUHOS ang pakikiramay at pagbibigay-pugay ng mga kapwa niyang mang-aawit at mga artista sa pagpanaw ng legendary rocker na si Chuck Berry.

Si Berry o Charles Edward Anderson Berry, Sr. ay pumanaw sa edad na 90 nitong Sabado matapos matagpuang walang malay ng mga emergency responder sa loob ng kanyang tahanan sa St. Louis.

Siya ang itinuturing na‘Father of Rock and Roll’ dahil sa kanyang naging kontribusyon sa larangan ng musika.

Si Berry ang bumuo at umawit ng sikat na sikat na kantang “Johnny B. Goode” noong dekada ’50.

Kabilang sa mga nagpahatid ng pakikimaray sa pamamagitan ng social media sina Bruce Springsteen, Ringo Starr ng Beatles, Lenny Kravitz, Rod Stewart at Mick Jagger.

Maging sina Arnold Schwarzenneger at ang magazine na Rolling Stones ay nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ng magaling na gitarista. -30-

Natokhang na trike driver, itinumba sa Caloocan

$
0
0

TEPOK ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin sa North Diversion Rd., Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Josefino Morales, Sr., 60.

Kwento ng anak ng biktima, nakatambay ang kanilang ama at nag-aabang ng pasahero nang kaladkarin ng apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo.

Kinakausap umano nito ang kanilang ama na sumama, pero nakiusap ang biktima na hayaan na lang siya.

Hinayaan itong bumalik, pero tinambangan pa rin sa loob ng kanyang tricycle.

Una na umanong sumuko sa Oplan Tokhang ang biktima at tumigil na rin ito sa paggamit ng droga.

Nasa drug watchlist rin ng barangay ang napatay na si Morales.

Labis namang paghihinagpis at galit ang nararamdaman ng tatlong anak ng biktima dahil inosente naman anila ang kanilang ama. JOHNNY ARASGA

Kilabot na ‘hitman’, tepok sa Maynila

$
0
0

TEPOK ang isang lalaking itinuturong kilabot na ‘hitman’ sa Laguna cor. Molave St., Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Arvel Boy Aquino, alyas ‘Sundalo’ na aarestuhin na sana pero nanlaban pa sa mga pulis.

Poposasan na umano ang suspek na armado ng kalibre .45 pero pinaputukan pa rin nito ang mga pulis. Nakuhanan pa ang bangkay ng napatay ng tatlong sachet ng shabu.

Sugatan rin sa operasyon ang isang operatiba ng pulisya matapos tamaan ng bala sa kaliwang hita.

Ayon kay Supt. Alex Daniel, hepe ng Abad Santos Police Station, si Aquino ang suspek sa pagpatay sa dalawang babae sa Antipolo St. noong February 11.

Sinasabing si Aquino rin ang gun-for-hire ng mga drug pusher sa lugar na pumapatay sa mga impormante. JOHNNY ARASGA

Solomon Islands, inuga ng magnitude 6 na lindol

$
0
0

INUGA ng magnitude 6 na lindol ang Solomon Island ayon sa US Geological Survey.

Naganap ang lindol bandang 2:43 ng umaga (local time) na may lalim na apat na kilometro na nasa 170 kilometro hilaga-hilagang silangan ng Honiara na kabisera ng bansa.

Kaugnay nito, wala namang inilibas ng tsumani warning.

Tulad ng Pilipinas, ang Solomon Islands ay bahagi rin ng tinatawag na Pacific “Ring of Fire”, parte ng mundo kung saan madalas ang mga lindol at pagputok ng mga bulkan.

Noong taong 2007, niyanig ng magnitude 8 na lindol ang naturang bansa na nagresulta sa pagkamatay ng nasa 52 katao at pagkawala ng tirahan na libu-libo matapos magkaroon ng tsunami na may taas na 10 metro. JOHNNY ARASGA


Light truck ban sa EDSA, Shaw Blvd. simula na

$
0
0

SIMULA na ngayong araw, March 20, ang pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng pababawal sa mga light truck sa pagdaan sa Epifanio delos Santos (EDSA), mula Magallanes hanggang North Ave. at Shaw Blvd. tuwing rush hour.

Sa ilalim ng uniform light truck ban policy, ang mga trak na may gross capacity weight na 4,500 kilograms pababa ay bawal dumaan sa EDSA-southbound mula 6 a.m. hanggang 10 a.m. para maibsan ang bigat ng daloy ng trapiko tuwing rush hour sa umaga at mula 5 p.m. hanggang 10 p.m. sa EDSA northbound kung saan karamihan ng mga tao ay pauwi na.

Bawal din dumaan sa Shaw Blvd. ang mga light truck sa magkabilang direksyon tuwing rush hour sa mga oras na 6 a.m. – 10 a.m. at 5 p.m. – 10 p.m.

Bago nito, nauna nang nagsagawa ng three-day trial run ang MMDA kung saan binigyan lang ng warning ng mga traffic enforcer ang mga driver.

Ayon naman kay MMDA chairman officer-in-charge Tim Orbos, hindi naman kasama sa ban ang mga light truck na may dalang mga perishable goods pero kinakailangan ng mga ito na mag-apply para sa exemption.

Hindi rin kasama sa ban ang mga government at emergency vehicles tulad ng mga fire truck at ambulansya.

Ipatutupad ang naturang ban mula Lunes – Sabado maliban tuwing Linggo at holiday hanggang June 15. JOHNNY ARASGA

Malaysian rider, dedo sa kabanggaan

$
0
0

BAUANG, LA UNION – Dead-on-arrival sa Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) ang isang Malaysian national na rider matapos bumangga sa isa pang motorsiklo sa Brgy. Bagbag, Bauang, La Union kahapon, March 19.

Kinilala ng Bauang Police Station (BPS) ang biktimang si Seow Thow Sang, 60, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na ulat, lulan si Sang ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang national highway ng nasabing barangay nang bigla niyang makasalubong ang isa pang motorsiklo sa isang kurbada na minamaneho ni Carlos Villanueva, 25, ng Bacsil, bayan ng Bacnotan.

Tumilapon nang ilang metro ang biktima at tumama ang kanyang ulo sa semento na dali-daling isinugod sa ospital ngunit hindi na rin umabot nang buhay.

Sa ngayon, patuloy na nagsasagawa ng imbestigayon ang pulisya kung may pananagutan ang si Villanueva sa insidente. ALLAN BERGONIA

Impeachment moratorium, ipinanawagan ng mga kongresista

$
0
0

NANAWAGAN ngayon ng impeachment moratorium ang mga kongresista at sa halip ay patapusin na lamang ang termino nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Sina Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at Kabayan Rep. Harry Roque ay nanawagan kay Magdalo Rep. Gary Alejano na iatras na ang impeachment complaint nito laban kay Pangulong Duterte.

Sa ganitong paraan anila ay hindi na magtatangka pa ang mga tagasuporta ni Pangulong Duterte sa Kamara na maghain din ng impeachment complaint laban kay Robredo.

Giit ni Roque, may sapat na bilang ang mayorya upang ma-impeach si Robredo dahil sa mga pahayag nito sa United Nations samantalang marami na aniya ang 10 sa mga boboto para sa impeachment naman ni Duterte.

“Ang estimate ko, hindi lalagpas ng 10 ang susuporta sa impeachment (Robredo) at isa po ako sa mamumuno laban sa impeachment ni Presidente Duterte,” ani Roque.

Sa kanyang paghimok kay Alejano na iatras ang impeachment laban kay Duterte ay umapela rin siya kay House Speaker Pantaleon Alvarez na huwag nang ituloy ang pagpapa-impeach kay Robredo.

Binigyang-diin naman ni 1-SAGIP Rep. Rodante Marcoleta na magkaroon sana ng moratorium sa magkabilang panig at sa halip ay pag-usapan kung ano ang dapat gawin para sa ikabubuti ng bansa.

Siniguro rin ni Marcoleta na sapat ang bilang ng mayorya upang umusad ang isang impeachment complaint laban kay Robredo na taliwas naman aniya sa impeachment na inihain ni Alejano laban sa pangulo. MELIZA MALUNTAG

Ex-senator Shahani-Ramos, pumanaw na

$
0
0

PUMANAW na si dating Sen. Leticia Ramos-Shahani sa edad na 87-anyos.

Sinabi ng kanyang anak na si Lila Shahani, secretary general ng Philippine National Commission to UNESCO, na pumanaw ang kanyang ina kaninang 2:40 ng madaling-araw.

“Bereft and full of grief, but still strangely peaceful in the knowledge that she is now free from all suffering,” ani Lila sa statement.

Si Ramos-Shahani ay kapatid ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Matatandaang nahalal si Ramos-Shahani bilang senador noong 1987 elections.

Sa kanyang termino, naitalaga siya bilang chairman ng committee on committees on foreign affairs, education, culture and arts, at agriculture.

Naging miyembro rin siya ng Commission on Appointments.

Maliban dito, si Ramos Shahani ay naging ambassador ng Australia mula 1981 – 1986.

Naitalaga rin siya noong 1985 bilang Secretary-General ng World Conference on the United Nations Decade of Women sa Nairobi, Kenya.

Noong Agosto lang ng nakaraang taon, itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang miyembro ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan. BOBBY TICZON

Kelot nanaksak sa selos

$
0
0

AGAW-BUHAY ang isang 39-anyos na lalaki matapos tarakan ng icepick sa dibdib ng nagselos na lalaking dating live-in partner ng kanyang lover ngayon sa Valenzuela City, kagabi.

Si Donald Alday, ng 133 Maria de Castro St., Bagong Barrio, Caloocan City, ay kasalukuyang ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib habang pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilalang si Joseph Oma ng Pama Cmpd., Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon, dakong 10 ng gabi nang pumunta ang suspek sa carinderia na pag-aari ng pamilya ni Hyacinth Sinacsi, dating live-in partner ni Oma, sa 6118 El Grande St. Gen. T. de Leon at kinausap ito hinggil sa kanilang nabigong relasyon.

Sinubukan umanong kumbinsihin ng suspek si Sinacsi na makipagbalikan sa kanya subalit hindi ito kumikibo at parang walang naririnig.

Habang sinusubukan pa rin nito ang paghihikayat sa dating ka-live-in, nakita nito ang biktima sa loob ng carinderia na naglalaro sa cellphone kaya agad nitong binunot ang dalang icepick at inundayan sa dibdib si Alday.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima sa naturang pagamutan. RENE MANAHAN

Viewing all 14412 articles
Browse latest View live