Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mga stranded na OFW sa Riyadh, Jeddah, dapat bisitahin ni Aquino – Kadamay

$
0
0

SA halip na maging abala sa pag-iikot sa bansa para sa mga political sorties ng Team PNoy, dapat umanong unahin ni Pangulong Aquino ang pagbisita at pag-alalalay sa mga stranded nating kababayan sa Riyadh at Jeddah sa Saudi Arabia.”

Ito ang pahayag ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa lumalang kalagayan ng mga stranded nating kababayan sa Saudi na nagsagawa ng camp-out sa labas ng mga embahada ng Pilipinas.

Ayon kay Carlito Badion, national secretary-general ng Kadamay, ang pagbisita ni Aquino ay sapat lamang na kabayaran sa ambag ng mga Overseas Filipino Workers na ang mga remittances ang siyang pangunahing bumubuhay sa ekonomiya ng bansa.

Simula pa noong Abril 8, mahigit 2,000 OFW na ang nanatili sa Tent City sa Jeddah, samantalang nasa 200 OFW naman ang lumahok sa camp-out sa Riyadh simula kahapon. Kalakhan sa kanila ay biktima ng pagmamaltrato ng mga employers at iba pang labor violations sa Saudi.

“Malaki ang pananagutan ni Aquino sa nagaganap na krisis sa Saudi sapagkat ang kanyang pamahalaan ang pangunahing nagtutulak sa mga maralitang walang makitang trabaho sa bansa upang mangibang bayan. Sa kabila ito ng kawalang kakayahan ng gubyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga OFW,” ani Badion.

Ayon naman kay John Leonard Monterona, vice-chairperson of MIGRANTE party-list, higit sa 7,000 na nating kababayang OFW sa Saudi ang dumulog gubyerno para sa repatiation simula pa noong September 2012. Ngunit wala ni isa sa kanila ang natulungan ng gubyerno hanggang sa kasalukuyan.

Matapos magkampo ang mga kaanak ng mga stranded ng OFW sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs sa Pasay noong Abril 29 sa pangunguna ng MIGRANTE party-list, saka lamang nangako ang gubyerno ni Aquino na tiyakin ang kagyat na relokasyon ng mga stranded na OFW sa mas maayos na lugar, at ang pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas.

Kahapon, 3 OFW na nanguna sa camp out sa Riyadh ang inaresto ng awtoridad ng Saudi. Opisyal pa umano ng emabahada ng Pilipinas ang nagsuplong sa mga Pilipinong inaresto.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan