PATAY na nang madatnan ng kanyang mga anak ang kanilang 83-anyos na nanay makaraang patayin ng mga magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay sa Purok 1, Barangay San Jose, Buug Zambaonga Sibugay.
Kinilala ang biktima na si Basillia Ruflo.
Sa imbestigasyon, mag-isa sa bahay ang biktima alas-4:00 ng hapon nang pasukin ng mga magnanakaw at tinangay ang mahahalagang gamit ng pamilya.
Iniimbestigahan na ang insidente at inaalam na ang pagkakilanlan ng mga kriminal.