WALANG masabi at ayaw magkomento ni Senador Panfilo Lacson sa mga paratang ni dating S/Supt. Cesar Mancao na balak niya itong ipapatay kaya tumakas sa kostudiya ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ani Lacson, problema ni Mancao at kanyang custodian kung paano sasagutin sa batas ang pagtakas ng huli sa NBI.
Si Lacson at Mancao ay kapwa akusado sa double murder case sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong November 2000 pero nauna nang napawalang sala ang senador na una na ring nagtago sa batas.
Kanina ay nabisto ang pagtakas ni Mancao makaraang malamang ipalilipat siya sa Manila City jail.