LALO pang pinaigting ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang operasyon laban sa New People’s Army (NPA) para tapatan ang sobrang pagpapapansin ng mga ito sa gobyerno partikular na ang hindi maawat na pangingikil sa mga kandidato.
Ani Presidential spokesman Edwin Lacierda, patuloy na magkasanib puwersa ang mga sundalo at kapulisan para puksain ang operasyon “kikil” o pangingikil ng NPA sa mga kandidatong nagnanais makakuha ng permit to campaign sa kanila.
“I think this is a election season and they want to make themselves felt. And so we— as we previously mentioned the AFP Chief of Staff has already instructed all units to intensify the operations against NPA, the lawless elements. Who are extorting money from the politicians and restricting their right to campaign in the area,” ani Sec. Lacierda.
No comment naman ang Malakanyang kung ang NPA ang itinuturing na malaking banta ng pamahalaan ngayong panahon ng pangangampanya at eleksyon.
Itatanong naman ni Sec. Lacierda sa DILG kung may plano siyang alamin kung saan napupunta ang perang kinikikil ng NPA sa mga kandidatong nagbayad para makakuha ng permit to campaign sa lugar na para sa NPA ay kanilang “teritoryo”.
“We have—we will ask the DILG, if there any plans to do that,” anito.