NADAKIP na ang tatlo sa pitong lalaki na pumatay sa isang Marino kagabi sa Makaturing St., Manresa, Quezon City.
Kagabi ay unang nadakip si Ariel Sampaga, habang sakay pa ng kanyang taxi nang magsagawa ng checkpoint ang mga pulis, habang nalambat din ang kapatid nito na si Fernando, alyas Pandong, kasama ang isa pa na si Jimboy Rondina habang sakay naman ng motorsiklo sa Morato Avenue.
Inaresto ang mga suspek makaraang paputukan sa ulo ang biktima na si Christopher Cervano, agad na namatay habang nasa labas ng kanyang bahay.
Lumalabas na plinano ng magkakapatid ang pagpatay sa sundalo dahil na rin sa matandang alitan.
Patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pa sa kapatid ng mga suspek na si Benjie at tatlong hindi pa nabatid ang pagkakilanlan.