IBINUNYAG ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa kanyang pagboto sa isinagawang local absentee voting kanina na siyam senatoriable lang ang kanyang ibinoto.
Ani Brillantes, tatlo sa kanyang ibinoto ay mula sa Liberal Party (LP), tatlo sa United Nationalist Alliance (UNA) at tatlo ang independent candidates.
Pero kalaunan ay binawi ni Brillantes ang naturang pahayag at sinabing biro lamang ang tatlo-tatlong pagpili.
Gayunman, seryoso siya na siyam lamang ang kaniyang nakitang tunay na kwalipikado sa pwesto bilang senador kaya ito lamang ang kaniyang mga ibinoto.