MAAYOS ang kalusugan at walang sakit si Pangulong Benigno Aquino III.
Ito ang pagtitiyak ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na bagama’t may sipon, inuubo at medyo namumutla ang Pangulong Aquino ay hindi aniya nangangahulugan iyon na kailangan na nitong magpahinga at tigilan ang pagsama-sama sa pangangampanya sa kanyang Team PNoy.
“There is nothing wrong with the President. He is campaigning. We were… He was very vibrant. In Brunei, we spent the—quite a longtime with the President in Brunei. He’s in the pink of health,” ani Sec. Lacierda.
Sinabi ng opisyal na natural lamang sa Pangulo ang mangampanya at ikampanya ang kanyang mga kandidato.
Wala namang indikasyon na may problema sa kanyang kalusugan o may mabigat na karamdaman ang Pangulong Aquino.
Posible aniyang init-lamig lang ang dahilan ng ubo, sipon at pamumutla nito.
Huling nagpa-check up ang Pangulong Aquino para sa kanyang kalusugan noong Nobyembre ng nakaraang taon.