Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Del Run matagumpay

$
0
0

del-run

NAGPASALAMAT ang pamahalaang lungsod ng Marikina sa may 1,500 na kalahok sa katatapos lamang na Del Run (Save the Marikina Watershed) noong Linggo, ika-28 ng Abril sa Marikina Sports Park.

Pinangunahan nina Eric Panique sa oras 1:31:01 ang male category at Milo Marathon two-time champion Mary Grace Delos Santos ang female category sa oras 1:29:34 para sa unang pwesto sa 21K run ng nasabing patimpalak. Kapwa nag-uwi si Panique at Delos Santos ng premyong PhP10,000 at finisher medal.

Samantala, pumangalawa naman kay Panique sa 21K male category sina Ireneo Raquin (1:13:06) at pumangatlo si Rene Desuyo. Sa female category naman ay pumangalawa kay Delos Santos si Janice Tawagen (1:35:27) at pangatlo si Cinderella Lorenzo (1:42).

Ang ilang pang nagsipagwa sa Del Run ay sina: 1st placer Richard Salano (33:17), 2nd placer Elmer Sabal (33:58), at 3rd placer Jujet De Asis (34:19) sa 10K male category; 1st placer Ferdinand Corpuz (13:21), 2nd placer Roldan Verano (13:48), at 3rd placer Rudy Hernandez (14:53) sa 5K male category; 1st placer  Janette Agura(42:26), 2nd placer Corazon Salcedo (45:09), at 3rd placer Olivia Cortez (49:08) sa 10K female category; at 1st placer Mae Ann Gongob (18:20), 2nd placer Jomarie Alison (20:44) at 3rd placer Marie Monica Silona (26:03) sa 5K female category.

Ang mga nagsipagwagi sa 5K category ay nag-uwi ng premyong PhP3,000 para sa unang pwesto, PhP2,000 sa ikalawang pwesto, at PhP1,000 sa ikatlong pwesto. Samantalang ang mga nagsipagwagi naman sa 10K category ay nag-uwi ng premyong PhP7,000 para sa unang pwesto, PhP5,000 sa ikalawang pwesto, at PhP3,000 para sa ikatlong pwesto. Ang lahat ng nagwagi ay nakatanggap rin ng medalya.

Samantala, itinanghal namang youngest runner sina Ralph Roxas (21:44) sampung taong gulang at Izza Aga (44:11) walong taong gulang na pawang mula sa 5K category. Si Renato Garcia (33:40) naman ang itinanghal na Oldest Runner sa edad na 71 taong gulang na mula rin sa 5K category. Nagsipag-uwi ang mga ito ng medalya at premyong PhP1,000.

Ang Del Run (Save the Marikina Watershed) na ngayon ay nasa ikalawang taon ay naglalayong makalikom ng pondo upang  magamit sa pagpapayabong ng mga puno at pangangalaga ng Marikina Watershed na siyang unang depensa ng Marikina at ng iba pang karatig-bayan at lungsod laban sa matinding pagbaha.

Ang malilikom na pondo ay gagamitin para sa pagpapatuloy ng mga proyektong gagawin para sa pangangalaga ng may 27,000 ektaryang Marikina Watershed. Ilan sa mga ito ang pagtatanim ng may 100,000 binhi ng robusta coffee na ibinigay ng Department of Environment and Natural Resources.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan