KRITIKAL pa sa pagamutan ang isang lalaki makaraang dalawang beses paputukan sa ulo ng limang magkakapatid sa Bgy. Manresa, Quezon City ngayon lamang.
Nabatid na pauwi na ng kanyang bahay ang biktimang si Cris Zurbano alas-10 ng gabi nang basta na lamang barilin ng magkakapatid na Sampaga, pinangunahan ng panganay na si Ariel.
Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.