KULONG ang isang taxi driver matapos pagmumurahin ang mga pulis na nagsasagawa ng check point sa Caloocan City Biyernes ng gabi, Abril 26.
Nahaharap sa kasong Disobedience in Person in Authority at Direct Assault si Mateo Seguerra, 44, ng Cauliflower st., Sta. Ana, Rizal.
Sa ulat, dakong alas-11 ng gabi, nagsasagawa ng check point ang mga pulis sa Monumento ng lungsod nang parahin ang dalang taxi ng suspek na Jomarkin (TXV-137).
Hindi sumunod ang suspek na naging dahilan upang habuli at nang maabutan ay bumaba ng taxi ang una bago pinagmumura ang mga pulis at tumangging magpaaresto.
Sa buwisit ng mga pulis ay binitbit ang suspek at isinelda bago sinampahan ng mga nasabing kaso.