Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Palasyo sa voters: Gumagamit ng signal jamming devices ireport

$
0
0

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga botante na agad na magsumbong sa mga pulisya kapag may nakitang gumagamit ng kahina-hinalang devices o signal jamming devices.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na kailangang maging alerto ang lahat sa ganitong mga usapin lalo pa’t malapit na ang eleksyon sa bansa.

“Ngayon alam na po ng marami na meron pong mga ganitong device at puwede po silang gamitin sa ganitong paraan, ini-encourage po natin iyong ating mga botante na mag-report po tayo ng mga ganitong suspicious devices to the police para maaksyunan po agad ng ating kapulisan at ng Comelec,” ayon kay Valte.

Ikinatuwa naman ng Malakanyang ang idinaos ng press conference ng DILG at Comelec sa isyung ito.

Nauna rito, inalis naman ng Comelec ang pangamba laban sa napaulat na paglipana ng mga jamming device na gagamitin para isabotahe ang resulta ng 2013 midterm elections.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, na hindi makakaapekto ang naturang mga jamming devices sa resulta ng national elections.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>