HINIKAYAT ni Environment Secretary Ramon Paje ang publiko na i-recycle na lamang sa halip na itapon ang mga lumang electronic gadgets at appliances upang hindi na ito makadagdag pa sa problema sa basura na nakakaapekto sa kapaligiran at kalusugan ng mga tao.
Ayon kay Paje, lubhang malaki ang pinsala sa kapaligiran at sa kalusugan ng mga tao ang lilikhain ng mga lumang electronic gadgets at lumang appliances kaya dapat aniya na ma-recycle na lamang ito para sa ibang bagay na mapapakinabangan.
Aniya mas malaki ang pinsalang idudulot ng mga toxic chemicals na makikita sa mga electronic items tulad ng lead, chromium, nickel, zinc at mercury kapag nahalo sa ibang harmful substances sa dump sites o sanitary landfills.
Sinabi pa ni Paje na mas malaki ang maitutulong sa kapaligiran kung ire-recycle na lamang ang mga lumang electronic gadgets at appliances.