Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Opisyal ng WHO nasalisihan sa Maynila

$
0
0

NASALISIHAN habang kumakain kasama ang ilang kaibigan sa isang restaurant ang Briton na opisyal ng World Health Organization sa Ermita, Maynila, Huwebes ng gabi.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si David Charles Sutherland, binata, technical officer ng WHO at pansamantalang nanunuluyan sa Crowne Plaza hotel, Ortigas Center, Quezon City.

Ayon sa biktima, isang babae na nakasuot ng kulay puting damit at may scarf sa ulo ang nambiktima sa kanya.

Sa report ni PO3 Jay Jacob ng MPD-GAS, dakong 8:35 ng gabi nang naganap ang insidnete sa loob ng Chicken Rice Shop sa Robinson’s Mall sa Ermita, Maynila.

Sa salaysay ng biktima, kumain siya kasama ang dalawang kaibigan at isang staff nito sa nasabing restaurant. Inilagay aniya niya ang kanyang itim na bag na naglalaman ng Lenovo laptop, Samsung Note 2 Samartphone, Nokia cellphone at ilang dokumento kabilang ang kanyang UK passport, sa pagitan ng kanyang hita sa ilalim ng kanyang upuan.

Pagkatapos kumain at nang kukunin na ang bag ay nagimbal ang banyaga nang madiskubreng wala na ang kanyang mga gamit.

Ayon naman sa pamunuan ng restaurant, isang babae ang tumabi sa kanilang upuan subalit nag-order lamang ng inumin at appetizer. Nang maubos ay mabilis ding umalis ang babae na siyang hinala nilang sumalisi sa biktima.

Sinamahan naman ng pamunuan ng restaurant ang biktima sa presinto upang ireport ang insidente.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


KANTUTAN


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Ibong Adarna Script


MAMIYAPIS


HAWI


DELEGADO


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


Long Mejia may sex scandal


PAKIALAMERONG DIREKTOR NG NORTH CEMETERY


Ivana Alawi itinanggi ang pagbibigay ng umano’y escort service


I love you, goodbye: Babaeng nag-I love you sa katawagan, ginilitan ng...


KUDA


PAGBABATA


DUMARATAL


Traffic enforcer, todas sa pamamaril sa Parañaque


Toni at direk Paul, tuloy na ang kasalan!



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>