IPINAHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na hindi na sila mamamahagi ng sample ballots para sa nalalapit na May 13 midterm elections.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ipinauubaya na nila sa mga political parties at mga kandidato ang pamimigay ng sample ballots.
Ayon kay Jimenez, maaari na ring makita sa kanilang website na www.comelec.gov.ph ang ballot templates.
Nilinaw naman ni Jimenez na walang epekto sa kanilang desisyong hindi na mamigay ng sample ballot ang mahabang listahan ng party-list candidates.
Nabatid na sinimulan na ng Comelec Regional Offices ang pamamahagi ng Voters Information Sheet (VIS) na naglalaman ng precinct location ng isang botante at mga dapat at hindi dapat gawin sa araw ng halalan.