UMABOT na sa 179 ang kumpirmadong patay habang nasa mahigit 6,000 ang naitalang sugatan sa 7.0 magnitude na lindol sa Sichuan province sa China kahapon ng umaga.
Sa pinakahuling report ng Xinhua news agency, mula sa Lushan ang karamihan sa mga nasawi sa naganap na lindol.
Dahil sa malakas na lindol maraming gusali ang nasira at naputol din ang suplay ng kuryente at tubig sa lugar.
Naitala ang epicenter nito sa 140 kilometro mula sa Chengdu City na may lalim na 13 km.