Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Negosyante dinukot sa Sulu

$
0
0

DINUKOT ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng kidnapped for ransom syndicate ang isang negosyante sa Jolo, Sulu kaninang umaga.

Ang biktimang si Renato Yamza, 50-anyos, residente Christian village, Barangay Bus-bos ay isinakay sa isang multicab na hindi naplakahan at dinala sa hindi pa malamang direksyon.

Nagkasa na ang Jolo PNP ng isang hot-pursue operations laban sa may lima hanggang pitong suspek at para masagip na rin ang biktima na sinasabing kamag-anak ng isang mataas na opisyal ng PNP sa Zamboanga.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:30 ng umaga sa labas ng coffee shop na pag-aari ng biktima sa Barangay Walled City.

Bago ito, binubuksan pa lamang ng biktima ang kanyang coffee shop nang biglang sumulpot ang mga suspek at sapilitan itong tinangay sa kanilang sasakyan.

Hindi pa makumpirma ng pulisya kung ang nsabing insidente ay isa na namang insidente ng kidnapping.

Wala pa rin na hinihinging ransom money ang mga suspek kapalit ng kalayaan ni Yamza.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>