Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Palaboy patay sa heat stroke

$
0
0

HINIHINALANG namatay dahil sa heat stroke ang isang matandang palaboy na natagpuang patay sa gilid ng kalsada, malapit sa isang creek sa Malate, Maynila.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 55 hanggang 60-anyos, nasa 5’2 hanggang 5’4 ang taas, may tattoo na “Warrios” sa kanang hita, nakasuot ng kulay dilaw na T-shirt at violet na short pants.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Glenzor Vallejo, kay P/Insp. Steve Casimiro, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section,   dakong 5:46 ng umaga nang madiskubreng patay ang matandang palaboy nang magsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng MPD-Malate Police Station 9 sa kahabaan ng Mabini St., sa Malate.

Inakalang natutulog lamang ang biktima ngunit nang lapitan ay isa na pala itong bangkay.

Agad naman itong ipinagbigay-alam sa MPD-Headquarters.

Nang suriin ang bangkay ay walang nakitang indikasyon na pinatay o pinahirapan ang biktima, kaya pinaniniwalaang na-heat stroke ito dahil na rin sa nararanasang matinding init ng panahon.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


WAKAWAK


10 sugatang sundalo vs ASG, pinangalanan na


15-anyos, niluray ng amain


JOURNEY NI GEN. RICHARD ALBANO, EMOSYONAL


Traffic enforcer, todas sa pamamaril sa Parañaque


Ibong Adarna Script


PAGBABATA


DUMARATAL


KANTUTAN


BEMBANG


Pipi’t-binging tomboy, dinalirot ng pinsan


Liza Soberano, kinaiinisan na agad


Long Mejia may sex scandal


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


I love you, goodbye: Babaeng nag-I love you sa katawagan, ginilitan ng...


KATIPAN


MAALIWALAS


PANGIMBULUHAN


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>