Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Wowowillie kakastiguhin ng MTRCB

$
0
0

MULING gigisahin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kanilang imbestigasyon ang mga opisyal ng “Wowowillie” ng TV5 sa Abril 22, 2013.

Ito ang inihayag ni MTRCB chairman Eugenio Villareal na may kinalaman sa mahalay na pananamit ng mga dancer nito  partikular na tinukoy ang Abril 16, 2013 episode ng programa.

Ayon kay Villareal, nagpadala na sila ng abiso sa mga kinatawan ng nasabing TV network, gayundin ang mismong programa na dumalo sa pagdinig.

Sinabi ni Villareal na ang isasagawa nilang imbestigasyon ay ibinatay nila sa reklamo ng mga netizen kung saan nakita sa mga nakuhang litrato na aabot sa walong minutong na-expose ang dibdib ng isang dancer na halos makita ng lahat.

Idedetermina rin ng MTRCB kung may naging pag-aabuso ang nasabing programa laban sa kapakanan ng mga kabataan at kababaihan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>