Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ka-Angkan Festival sa Marikina aarangkada bukas

$
0
0

BILANG bahagi ng ika-383 Marikina Founding Anniversary, idadaos ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang taunang Ka-Angkan Festival sa Sabado, ika-20 ng Abril sa Marikina Sports Park.

May temang “MASAYA, MASAGANA, NAGKAKAISA! Bawat Marikenyo, Ka-Angkan Ko!”, layunin ng ika-383 Marikina Founding Anniversary na muling alalahanin ang patuloy na paglago at pag-asenso ng lungsod sa loob ng may tatlong daang taon at maging ang pagkakaisa ng mga mamamayan ng Marikina.

Ang Ka-Angkan Festival ay ang pinakaaabangang aktibidad sa pagdiriwang na tila isang pagsasama-sama ng pamilyang Marikenyo na ang iba ay nangmumula pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa at maging sa ibayong dagat. Ito ay isang pagkakataon para sa kasalukuyang henerasyon na kanilang makilala ang kanilang mga ninuno at makilala ang kanilang sarili kasama ang miyembro ng kanilang angkan.

Magsisimula ang programa sa pagparada ng mga Angkan sa ika-5 ng hapon. Ang parada ay magsisimula sa Bayan-Bayanan Ave. corner A. De Guzman sa Brgy. Concepcion Uno, kakaliwa sa JP Rizal Ave., kakanan sa Malaya St., kakanan sa JP Rizal Ave., kakaliwa sa Sumulong Highway, at magtatapos sa  Marikina Sports Park.

Kabilang sa parada ang may 39 na angkan mula sa Marikina, kawani at opisyales ng lokal na pamahalaan ng Marikina, mga bisita, Mardi Gras, kandidata ng Miss Marikina at marami pang iba.

Sisimulan ang programa ng Ka-Angkan sa ganap na ika-6 ng hapon na kinabibilangan ng presentasyon ng Hermano Mayor at Hermana Mayor, mga nagsipagwagi sa Mr. at Ms. Osca (ng Office for Senior Citizens’ Affairs) at ng Miss Marikina 2013, Gawad Parangal para sa Outstanding Marikeños, Mass Demo, Fireworks Display, at espesyal na programa ng mga Angkan.

Ang Ka-Angkan Festival ay idinaraos taun-taon bilang isa sa mga pinakaaabangang aktibidad dahil sa pagpapakita nito ng tunay na kahulugan ng matibay na relasyon at halaga ng bawat pamilya, at respeto sa mga nakakatanda na isang kaugaliang magandang maipamana sa mga susunod na henerasyon ng mga Marikenyo


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>