TATLONG senatoriables ng Team PNoy ang inendorso ng 1-Utak Partylist.
Kabilang sina Aurora Rep. Edgardo “Sonny” Angara, Bam Aquino at dating senador Ramon Magsaysay Jr.
Ginawa ang pag-endorso matapos ang general membership meeting ng parthylist na dinaluhan ng iba’t ibang organisasyon ng transportasyon sa buong bansa.
Pinili ng grupo sina Angara, Aquino at Magsaysay batay sa kanilang pangako na magtulak ng mga batas na mag-aangat sa kalagayan ng mga tsuper at ekonomiya ng bansa..
Ang 1-Utak ay kinakatawan ni Atty. Vigor Mendoza.
Agad naming tinanggap at pinasalamatan ni Angara, ang 1-Utak sa kanilang suporta.
Bukod sa 1-UTAK, nakuha na rin ni Angara ang suporta ng 10 party-list groups katulad ng CIBAC, YACAP, An Waray, Ang Asosayon Sang Mangunguma Bisaya-Owa (AAMBIS-OWA), Alay Buhay, A-teacher, Aangat Tayo, Abante Mindanao Inc. (ABAMIN), Bagong Henerasyon at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).