MATAPOS ang malagim na trahedya na naganap sa Boston, nagpahayag ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi sila mag-iisyu ng permit sa magiging organizer ng mga marathon at fun runs sa bansa kapag walang konsultasyon sa Philippine National Police.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ito ang kanilang naging desisyon upang maiwasan ang naganap na marathon bombing sa Boston na ikinamatay ng tatlong participants.
Dagdag pa nito, inatasan nila ang mga organizer na maghanda muna sila ng security plan bago sila magpalaro para mapangalagaan ang seguridad at kaligtasan ng mga lalahok.
Nagsasagawa naman ng mahigpit na monitoring ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa buong kalakhang Maynila, na posibleng samantalahin ng ilang masasamang elemento.