BIRO lang!
Ito ang sinabi ngayon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes sa kanyang ipinahayag kahapon na magbibitiw na lang siya bilang pinuno ng poll body.
Pag-anim ni Brillantes na masyado lang matindi ang emosyon niya kahapon dahil sa ruling ng Supreme Court (SC).
Nauna nang binanatan ni Brillantes ang Supreme Court kaugnay sa inilabas na status quo ante order (SQAO) laban sa ipinatutupad na aggregated airtime limit sa political advertisements.
Mula kasi sa dating 120 minutes sa lahat ng TV stations at 180 minutes sa lahat ng himpilan ng radyo ay magiging per station basis nalamang ito.