PINALAYA na ng New People’s Army (NPA) ang pitong Cafgu at isa pa makaraang dukutin sa bahagi ng Agusan del Sur, kinilalang sina Mario “Tata” Lipanda, 36, Tuloy Lipanda, 34; Rejoy Francisco, 23, at isang alyas Janjan, 17, pawang nakadestino sa Km. 41, Binikalan Patrol base.
Ayon sa mga biktima, pinalaya sila sa bulubunduking bahagi ng San Luis, alas-11:45 kaninang umaga.
Kaninang alas-3:00 naman nang pinakawalan sa Tagbina, Surigao del Sur ang mga Civilian Active Auxiliary (CAA) members na sina Leonardo Servillejo, 63; Danny Servillejo, 27, at Evangeline Cabudbod, 31, ng Brgy. Alejandro, San Luis, Agusan del Sur.
Sa interbyu kay Fr. Antonio Sayod, miyembro ng Local Crisis Management Team (LCMT) sinabi nito matiwasay na na-turn over ang mga POWs.