TINANGGAP na ni senatorial candidate Grace Poe ang pag-endorso Lakas-CMD.
Ito ang kinumpirma nina Lakas president Martin Romualdez at house Minority Leader Danilo Suarez.
Sa isang press conference, inihayag nina Romualdez at Suarez na tinanggap ni Poe ang endorsement ng Lakas-CMD matapos mapasama ang kanyang pangalan sa unang anim na kandidato na susuportahan ng partido sa Mayo.
“She will be a good senator,” ayon kay Romualdez.
Ang pagpili sa 10 kandidato na susuportahan ng Lakas ay naganap sa isang secret voting na nilahukan ng may 23 miyembro ng Executive Committee.
Ang pagtanggap ni Poe sa pag-endorso ng Lakas ay kinumpirma kahit kabilang sa partidong ito si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na inakusahang nandaya sa kanyang ama na si action king Fernando Poe, Jr. noong 2004 elections.