Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagpigil sa dagdag singil sa kuryente, ERC ang bahala – Palasyo

$
0
0

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Energy Regulatory Board (ERC) ang pagpigil sa Manila Electric Co. (Meralco) na ikasa ang P0.27 taas sa singil sa kuryente kada kilowatt-hour ngayong buwan.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, na may tiwala sila sa kakayahan ng ERC na matutugunan agad ang usaping ito.

Ayon kay Valte, walang dahilan upang hikayatin at pakiusapan ng Malakanyang ang Meralco na huwag masyadong pahirapan ang mga consumer lalo na ang mga magulang ngayong malapit na ang enrollment.

“Sana i-consider na lang ng ERC ‘yung current climate, ‘yung current circumstances habang nagdedesisyon po sila sa mga ganitong petisyon,” ani Valte.

Sa ulat, bunsod ng demand at presyo ng kuryente mula sa mga supplier ay nagdesisyon ang Meralco na taasan ang singil ng kuryente ng kanilang mga consumer.

Ang generation charge ay umakyat ng P0.20 per kWh, habang ang transmission charge ay tumaas naman ng P0.01 per kWh.

“A P0.27 increase per kWh means that customers with a monthly consumption of 200 kWh will pay about P54 more this month,” ayon sa ulat.

Sinabi naman ng Meralco na tumaas ng 5-percent ang pang-araw-araw na gamit ng elektrisidad simula noong nakaraang buwan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>