PAGKATAPOS na ianunsyo ng Flying V ang ipatutupad nilang rollback mamayang hatinggabi, ay sumunod naman na naghayag ng rollback ang Petron.
Tatapyasan ng Petron ng P1.65 ang presyo ng bawat litro ng kanilang gasolina.
Babawasan naman ng 75 sentimo ang halaga ng kada litro ng kerosene habang 55 sentimo naman sa bawat litro ng diesel.
Ang rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamhilihan.