KUMPIYANSA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maaabot nito ang target na koleksyon para sa 2013 sa tatlong araw na deadline na pagbabayad ng Annual Income Tax Return (A-ITR).
Target ng BIR na makuha ang P107 bilyon para lamang sa Region 7 na sakop ang mga lungsod ng Mandaluyong, San Juan, Pasig, Marikina, Cainta at Quezon City.
Kahapon at hanggang ngayon araw ay dinagsa ng mga tax payer ang tanggapan ng BIR Region 7 sa Quezon City para magbayad ng A-ITR.
Idinetalye rin ng BIR Region 7 Director Jonas Amora ang ilang indicator na makakamit nila ang target collection.
Nabatid pa sa ahensiya, na kapag nalampasan nila ang kanilang target, magandang indicator ito na makuha ang goal para sa buong taon, habang sa kasalukuyan ay lumagpas na ang collection goal sa buwan ng Enero hanggang Marso.
Ipinaliwanag ni Amora ang magiging epekto sakaling hindi makuha ang kanilang goal para sa taong ito.
Una, maaapektuhan ang ating bansa dahil ang contribution ng ahensiya sa national government ay nasa P2 trilyon. Ang BIR nagko-contribute ng P1.256 trilyon, kaya malaking impak ito sa expenditure program ng national government.
Pangalawa, sa BIR, sakaling hindi nakuha ang target, maaari silang ma-demote, matanggal sa serbisyo o mailipat sa kung saan-saan dahil sa Lateral Attrition Law na pinaiiral ngayon.
Pinaalalahanan ni Amora ang mga tax paper na maging maagap sa pagtungo sa BIR sa araw ng deadline sa Lunes, April 15, 2013 upang huwag magkaroon ng problema.