SINIGURO ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na walang reshuflle na magaganap sa kanyang ahensiya makaraang igiit ni Pangulong Aquino na mananatili siya sa puwesto.
Nakiusap din si PNoy sa publiko na bigyan ng pagkakataon si Biazon na magampanan pa ang kanyang tungkulin.
Matatandaan na ilang sektor na ang nananawagan na palitan na si Biazon sa BoC dahil sa hindi masawata na smuggling sa bansa.