Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Lakers lalong nababaon

$
0
0

KUMANA ng 24 puntos si Tony Parker, 19 ang binakas ni Manu Ginobili upang pasanin ang San Antonio Spurs sa 108-105 panalo kontra sugatang Los Angeles Lakers kanina sa 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Sinahugan pa ni Parker ng anim na assists at tatlong rebounds habang si Ginobili ay may walong boards at apat na assists para ilista ng Spurs ang 28-10 panalo-talo karta.

”We kind of stopped,” wika ni Ginobili. ”We need rhythm this year. We are getting used to playing faster and we just didn’t do it. We were playing one-on-one instead of doing what we do best and that’s to penetrate, kick and pass the ball.”

Lupaypay na sa team standing ay kulang pa sa tao ang Lakers kaya lalo silang nababaon sa ilalim matapos lasapin ang ikalimang sunod na kabiguan.

”We lost five in a row,” sabi ni star Laker player Kobe Bryant. ”It’s pretty self-explanatory.”

Kahit lumaban ng husto ang Lakers sa Spurs ay hindi lubos ang saya ni coach Mike D’Antoni dahil sa 15-20 win-loss slate na dinadala ng LA.

”No, not really,” ani D’Antoni. ”I’m proud of their effort. They fought. They fought last night against Houston. You can see the team getting some traction, but we’re a long ways away from a smile.”

Tatlong big men ang hindi naglalaro sa Lakers dahil sa kanilang injury isa na dito si All-Star center Dwight Howard at ang dalawa ay sina Pau Gasol at Jordan Hill.

Ganunpaman ay nakakuha pa rin ng tulong sa opensa si Bryant lina Meta World Peace at Earl Clark.

Kinamadani Bryant ang 27 puntos, limang assists at apat na rebounds habang sina World Peace at Clark ay nag-ambag ng 23 at 22 ayon sa pagkakasunod.

Samantala, naagaw na ng Los Angeles Clippers ang top spot sa Western Conference matapos gilitan ang Dallas Mavericks, 99-93.

May 28-8 karta ang Clippers habang ang Oklahoma City Thunder ay may 27-8 baraha.

Sa ibang NBA resulta, nasilat ng New Orleans Hornets at Houston Rockets, 88-79 habang niligwak ng Memphis Grizzlies ang Golden State Warriors, 94-87.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>