WALANG inilabas na temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals sa pagtatapos ng oral argument hinggil sa petisyon ni suspended Cebu Governor Gwen Garcia.
Sa ngayon, inihahanda na lamang ng CA ang magiging desisyon nito na ilalabas anumang araw mula ngayon.
Sa ginananap na oral argument kahapon, nNagbabala ang kampo ni Cebu Governor Gwen Garcia sa umano’y malaking epekto ng suspension order sa gobernador sa nalalapit na halalan sa bansa.
Ito ang inihayag ni Atty. Tranquil Salvador, abogado ni Garcia, kontra sa implementasyon ng suspension order laban sa kanya.
Ayon kay Salvador, ang suspensyon ay ipinataw kung kailan malapit na ang halalan.
Ang Cebu ang isa sa may pinakamalaking voters turn out na nasa humigit kumulang 1 milyon.
Kaugnay nito, iginiit ni Salvador na walang nilalabag na batas partikular na ng local government code si Garcia
Wala rin aniyang legal basis ang suspension order kay Garcia dahil sa ang mga ginamit na grounds gaya ng usapin sa budget at paghire ng mga empleyado ay nasa kapangyarihan ng gobernador
Pero sa panig ng pamahalaan na kinatawan ng OSG ay iginiit nitong hindi dapat mapagbigyan ang TRO kung saan iginiit na umabuso sa kapangyarihan si Garcia ng hindi ipaalam sa Sanguniang Panlalawigan ng kumuha ito ng mga empleyado at mag-apruba ng budget.
Dagdag pa nito, ang pagkadelay ng desisyon sa isang reklamo ay hindi nangangahulugan na null and void na ito.
Sa panig naman ng CA mistulang sinermunan ni Justice Vicente Veloso ang kampo ni Garcia at nagpahaging na mali ang petisyong inihain.
Dapat ay ang rule 65 ng rules of court na tumukoy sa protection of rights at hindi rule 43 na tumutukoy sa irreparable damage ang ginamit na batayan sa paghahain ng petition ng kampo ni Garcia.