WALANG saplot sa katawan nang makitang patay ang isang driver sa loob ng inuupahan kuwarto sa Caloocan City Martes ng gabi, Abril 9.
Nakilala ang biktima na si Aldrine Guillermo, 28, ng Katarungan st., Bagong Barrio ng lungsod.
Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, kinatok ng landlord na si Jonas Burduos ang biktima sa inuupahan kuwarto sa nasabing lugar.
Nang walang sumasagot ay sapilitan binuksan ang pintuan at sa loob ay tumambad ang patay na biktima na walang saplot.
Itinawag sa mga pulis ang nakita at nang respondehan ay wala naman nakitang palantandaan na pinatay ang biktima.
Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng biktima.