Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Anak patay sa sampal ng ama

$
0
0

LABIS na pagsisisi ang nararamdaman ngayon ng isang ama matapos na mamatay ang kanyang 18 anyos na anak dahil sa pagkakasampal nito kaninang uamga sa Port Area, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa  Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Meljon Rey Ligad, estudyante, ng 386 Block 1 Dubai, Baseco compound, Port Area, Manila.

Hawak naman ngayon ng MPD-Homicide Section ang suspek na ama ng biktima na si Reynaldo Ligad, 40, isang Tower crane Riger, ng nasabi ring address.

Sa report ni Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 12:45 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-ama.

Nauna dito, nag-inuman sa loob ng kanilang bahay ang mag-ama kasama ang iba pang kamag-anak at nang natapos ang inuman ay lumabas ang biktima at barkadang si Toto upang kumain.

Nang bumalik ang biktima ay kinompronta ng ama ang anak kung bakit iniwang nakabukas ang sound system na nauwi sa pananampal ng huli sa una .

Dahil sa lakas ng pagkakasampal ng biktima ay tumumba ito sa semento kungsaan hinihinalang humampas ang kanyang ulo dahil sa umaagos na dugo sa mukha nito.

Nagising naman sa pagkakatulog si Jesus Ligad, kapatid ng suspek, dahil sa komosyon kung saan nadatnan ang biktima na walang malay dahilan upang isugod sa ospital subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Itinanggi naman ng suspek na inuntog nito sa pader ang anak subalit inamin na sinampal lamang niya ang anak.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>