CAVITE — Anim katao ang naaresto, habang iba’t ibang klase ng baril at mga bala ang nakumpiska matapos na ihain sa mga suspek ang isang search warrant ng mga awtoridad.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director P/Sr. Supt. Alexander De Guzman Rafael nakilala ang mga inaresto na sina Raymond Eguillos, 41, may-asawa, executive asst., tubong Albay at residente ng B11 L14 Ph3 La Trinidad Subd. Brgy. Cabuco Trece Martires City; Eurie Tulabot, 24, may-asawa, driver/security, ng B36 L66 Ph2 Bellflower St. Capitol Hills, Trece Martires City; Jem Bennison Baldeo, 30, binata, driver/security, tubong Albay at residente ng B37 64 Ph2 Bellflower St. Capitol Hills Brgy. Lapidario, Trece Martires City; Jojo Sibug, 33, may-asawa, driver/security, tubong Sorsogon, residente ng B7 L26 Ph1 Summerfield Subd. Brgy. Osorio, Trece Martires City; Allan Limbo, 25, may-asawa, driver/security, ng B45 L43 Ph2 Measel St. Capitol Hills Brgy. Lapidario, Trece Martires City at Dennis Asuncion, 35, may-asawa, driver/security at residente ng B29 l6 Brgy. Banaba, Silang, Cavite.
Sa imbestigasyon ni PO2 Alvin Garcia Marquez, dakong alas-3:30 ng madaling araw kahapon ng ihain ng RPSB4 CALABARZON sa pamumuno ni PSupt. Glenn Dumlao at Cavite Police Provincial Intelligence Branch sa pamumuno ni PSupt. Romeo Baleros ang search warrant laban kay Eguillos na humantong sa palitan ng putok kung saan tinamaan at nasugatan si PO2 Ivan Mark Cuartero ng SWAT RPSB4 CALABARZON at suspek na si Dennis Castillo na naging daan din upang sila ay maaresto. Rubie Garcia