ARESTADO ang isang mataas na lider ng New People”s Army (NPA) sa Negros Occidental.
Kinilala ang suspek na si Reniel Cellion, alyas Ka kumpol at lider ng Komiteng Rehiyon Negros.
Si Cellion at kasama nitong si Mary Jean Magkikat ay nakuhanan ng isang hand grenade, cal .45 pistol at cal .22 pistol sa checkpoint sa Barangay Dancalan Ilog.
Isa si Cellion sa mga akusado sa pagpatay kay Army 2nd Lt Angelo Esguera ng 4th IB Philippine Army noong 2012.
Maliban sa mga warrant of arrest, nahaharap din sa kasong paglabag sa Comelec gun ban at illegal possession of firearms ang mga nadakip.