TULOY ang imbestigasyon sa pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha reef sa kabila ng pagkakasibak sa apat na opisyal ng ng US Navy ship.
Ayon kay Commodore Enrico Evangelista, commander ng Philippine Coast Guard-Palawan district, ang pagkakasibak sa apat na opisyal na kinabibilangan ng commanding officer, executive officer and navigator, assistant navigator at ang officer of the deck, ay hindi makaaapekto sa pananagutan ng Estados Unidos.
Nabatid na umaabot sa 4,000 square meters ang naging pinsala ng nabalahaw na barko sa coral reefs.
Nasa P100 million o katumbas ng $2.44 million ang ini-offer na kompensasyon ng US government.