NAHULI na ng mga tauhan ng Pasay Police si Princess Tomawis Rasuman, ang asawa ni Jachob “Coco” Rasuman, na siyang inginungusong utak ng investment scam firm sa Lanao del Sur.
Sa report sa radyo ngayon, nahuli si Rasuman sa bisa ng warrant of arrest sa Quezon City, kaninang madaling araw.
Sa report, nakakuha ng impormasyon ang mga awtoridad na nagtatago ang nadakip sa isang bahay sa Commonwealth Avenue.