PINAALALAHANAN ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang mga district at station commanders nito na bawal magkabit ng mga campaign material sa mga police station at sa pasilidad nito.
Sinabi ni NCRPO chief, Director Leonardo Espina, na bawal ang paglalagay ng kahit anong uri ng campaign paraphernalia sa police stations dahil ang mga ito ay public offices at hindi common poster areas.
“it’s not allowed because police stations are public offices/places and are not common poster areas…. I have already reminded all in Ncrpo about this provision,” pahayag ni Espina.