INILABAS na ng Department of Health (DOH) ang implementing rules and regulations (IRR) kaugnay sa stem cell therapy.
Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona, na layon ng IRR na matutukan ang lumalaganap na stem cell procedures sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa IRR, nakasaad ang pagbabawal sa paggamit ng genetically modified stem cells, tissue ng mga sanggol at cells mula sa mga hayop.
Nakapaloob ito sa DoH Administrative Order 2013-0012 o kilala rin bilang Rules and Regulations Governing the Accreditation of Health Facilities Engaging in Human Stem Cell and Cell-based or Cellular Therapies in the Philippines.
“Our efforts regulating the practice of stem cell therapy in this country are aimed at safeguarding the welfare of our patients and the general public by making safe, effective and ethical stem cell modalities and practices are within emerging international and global standards considering the very complex nature of this therapy,” ayon sa kalihim.
Pagkatapos aniya ng 15 araw na pagkakalathala ay saka lamang ito magiging epektibo.