Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mga kagamitang pansaka hiniling ng mga magsasaka sa N. Cotabato

$
0
0

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Enero 7 (PIA) — Tatlong irrigators’ association o IAs sa bayan ng Libungan, North Cotabato ang humiling na kung maaari ay mabigyan sila ng mga kagamitang pangsaka na gagamitin sa panahon ng rehabilitasyon ng ilang irrigation facilities sa lugar.

Partikular na ipinaabot ng mga magsasaka kay North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan ang nasabing kahilingan bunsod ng nakatakdang pagsasaayos ng sistemang patubig sa ilang service areas ng Libungan River Irrigation System o LibRIS.

Ito ay tinugunan naman kaagad ni Cong Sacdalan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng konsultasyon sa mga magsasaka kaugnay ng agriculture projects na ipatutupad ngayong taon sa mga bayan ng Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap at Aleosan o PPALMA area.

Kabilang sa mga dumalo sa konsultasyon ay ang mga miyembro BASI (Batiocan- Sinawingan) IA, Gumaga IA, at CaP (Cabpangi-Poblacion) IA na ginanap sa Libungan Parish Gym.

Kamakailan ay sinimulang isaayos ang National Irrigation Administration o NIA ang main canal na siyang pangunahing irrigation facility sa unang distrito ng North Cotabato.

Sa muling paghahanda ng mga magsasaka ay kinakailangan nila ng mga farm hand tools tulad ng pala at “tabas.”

Sinabi ni Gumaga IA President Wilhelma Panlasigui na malaking tulong ang mga nabanggit na kagamitang pansakahan sa muling pagsisimula ng planting season.

Positibo naman ang tanggapan ni Cong. Sacdalan sa kahilingan at sinabing hahanap ito ng paraan upang matugunan ito.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan