“HUWAG magpapako sa krus.” Ito ang panawagan ng Simbahang Katolika sa mga deboto tuwing Semana Santa.
Ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, mariing tinututulan ng Simabahan ang nasabing gawain na lubhang napakadelikado.
Sinabi ni Cruz na may iba pang mga paraan upang makapagninilay-nilay ngayong Holy Week gaya ng pangungumpisal at Visita Iglesia.
Pinaalalahanan din ni Cruz ang mga Kristiyano na mangumpisal sa mga kasalanang nagawa ngayong Holy Week.